|
|
|
Written by Administrator
|
|
Ang Banal na Qur’an ay ang panghuling kapahayagan ng Allah. Ito ay tunay na Salita ng Allah na napanatili sa orihinal na anyo nito.
Ang Banal na Qur’an ay ipinahayag kay Propeta Muhammad (Itampok nawa ng Allah ang pagbanggit sa kanya) sa pamamagitan ni Anghel Gabriel sa loob ng dalawampu’t-tatlong taon. Ito ang saligan o batayan ng pananampalatayang Islam. Ang kapahayagang ito ay siyang binibigkas ng mga Muslim sa tuwing magdarasal ng limang beses sa maghapon. Ang Banal na Qur’an ay ipinahayag ng Allah bilang gabay sa sangkatauhan.
|
|
Last Updated on Tuesday, 15 May 2012 18:47 |
|
Read more...
|
|
Written by Yusuf A. Macaspac
|
|
Ang lahat ng papuri at pasasalamat ay para sa Allah lamang, ang Tagapagbiyaya, ang Pinakamahabagin at tanging tumatanggap ng pagsisisi. Siya na lumikha sa tao buhat sa alabok at nagbigay sa tao ng lakas para isagawa ang kanyang mga obligasyon at tungkulin sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya mataas na antas na kaalaman. Ako ay sumasaksi na walang ibang tunay na diyos na dapat sambahin maliban sa Allah at ako ay sumasaksi na si Muhammad ay Kanyang sugo at alipin na pinagkalooban ng dalisay na Aklat (Banal na Qur'an) bilang gabay at paalala para sa kanila na may pang-unawa. Nawa'y ang kapayapaan at pagpapala ng Allah ay mapasakanya, sa kanyang mga kapamilya, mga kasamahan, at sa sinumang sumusunod sa kanilang mga gabay at yapak hanggang sa Huling Araw.
|
|
Last Updated on Tuesday, 01 May 2012 12:12 |
|
Read more...
|
|
|
|
|
<< Start < Prev 1 2 Next > End >>
|
|
Page 1 of 2 |