|
Hesus Naipako ba sa Krus? |
|
|
|
|
Written by Administrator
|
|
Sa ngalan ng Allah, ang Pinakamahabagin, ang Pinakamaawain. Ang kapurihan ay sa Allah lamang, at ang kapayapaan at biyaya ay sumakanila, sa huling Propeta Muhammad, sa kanyang pamilya at kanyang mga kasamahan.
Ang pamagat ng akalt na ito ay hango sa mga talata ng Bibliya na sinulat nina San Juan at San Lukas (Juan 19:5-6,15 - Lukas 23:20-21). 'Ipako siya sa krus' kaya't ang tanong ko, naipako ba siya sa krus?
Sa paniniwala at aral Kristiyano, ito ang haligi ng kanilang doktrina at pangunahing kredo ng kanilang pananampalataya at dito nakasalalay ang kanilang katiyakan tungo sa buhay na walang hanggan.
Pinaniniwalaan ng lahat ng mananampalatayang Kristiyano na ang kanilang kaligtasan at pagkakamit ng buhay walang hanggan ay nakasalalay lamang sa kanilang pagsampalataya sa pagkapako at pagkamatay ni Hesus doon sa krus bilang kabayaran ng kanilang mga kasalanan, at ito ay ayon sa aral na kanilang tinanggap kay San Pablo na nasusulat sa Efeso:
|
|
Last Updated on Tuesday, 31 January 2012 17:35 |
|
Read more...
|
|
|
Ang Pagsamba sa Tunay na Diyos sa Halip ng Pagsamba sa Diyus-diyusan |
|
|
|
|
Written by Administrator
|
|
Katotohanan, hindi pinatatawad ng Allah ang pagbibigay katambal sa Kanya (sa pagsamba). Datapwa’t pinatatawad Niya ang ibang kasalanan bukod dito sa kaninumang Kanyang nais. At sinumang magtambal ng iba sa pagsamba sa Allah, tunay na siya ay nakagawa ng isang napakalaking kasalanan. [4:48]
Ang Allah – ang Dakila at Maluwalhati ay ipinakilala ang Kanyang sarili sa Kanyang mga Banal na Kasulatan at sa pamamagitan ng Kanyang mga Propeta upang ang tao ay magkaroon ng tamang pang-unawa kung sino Siya. Dahil ang kaisipan ng tao ay may hangganan sa kaalaman, mahirap niyang maabot ang bagay na walang hanggan.
Kaya naman, ang Allah, sa Kanyang pagiging maawain, ay nagpahayag sa tao ng Kanyang katangian upang maiwasan ng tao ang pagkalito tungkol sa katangiang para sa nilikha at katangian para sa Lumikha.
|
|
Last Updated on Tuesday, 31 January 2012 18:14 |
|
Read more...
|
|
Ang Isang Araw ay Hindi Sapat |
|
|
|
|
Written by Raed Capule
|
|
Paggalang sa mga Magulang
Sa America, ang pangalawang Linggo ng Mayo ay nakalaan para sa mga Ina at ang pangatlong Linggo ng Hunyo ay nakalaan naman para sa mga Ama. Ito ay lalong kilala sa tinatawag na Mother’s Day at Father’s Day. Ang ganitong kaikling panahong paggunita tungkol sa pamilya o lalong higit hinggil sa pagpaparangal sa kadakilaan ng Ina at Ama ay lubhang hamak na napakaikli kung ihahambing sa napakaraming walang katuturang bakasyon at kapistahan na pinagkakaabalahan nang mahabang panahon sa buong isang taon. Gayunpaman, katulad ng ibang mga okasyon, ang Araw ng Ina at Ama ay lagi nang nababahiran ng kulay ng komersiyalismo, ng iba’t ibang uri ng paninda na nauukol sa mga Araw na ito; kampanya ng parangal tungkol sa mga magulang; at tila walang katapusang hilera ng mga greeting cards (Happy Mother’s Day … Happy Father’s Day!).
|
|
Last Updated on Friday, 13 January 2012 06:35 |
|
Read more...
|
|
|
|
|
<< Start < Prev 1 2 Next > End >>
|
|
Page 1 of 2 |