Banner
Open e-Books Panel
Close e-Books Panel
Home Articles Ang Kaugalian sa Pagbati ng Salam
Ang Kaugalian sa Pagbati ng Salam PDF Print E-mail
Written by Administrator   
Friday, 29 January 2010 20:30

Ipinag-uutos ng Islam sa lahat ng kasapi ng lipunan na magbatian ng Salaam (as-Salaamu A'laykum) sapagkat ito ay nagbubunga ng pagmamahalan at pagkakaibigan sa bawat isa. Ang Sugo ng Allah (sas) ay nagsabi;

"Kayo ay hindi maaaring makapasok sa Paraiso hanggang kayo ay hindi sumasampalataya, at kayo ay hindi magiging tunay na Mananampalataya hanggang hindi kayo nagmamahalan sa isa't isa. Aking sasabihin sa inyo ang isang bagay na kung ito ay inyong gawin, kayo ay magmamahalan sa isa't isa? Magbatian kayo ng 'Salam' sa bawa't isa." (Muslim)

Isang tungkulin na kung kayo ay binati ng Salam, nararapat na ito ay suklian nang gayon ding pagbati o mas higit na mainam pa roon. Ang Allah (swt) ay nagsabi;

"At kung kayo ay batiin ng pagbati, sila ay inyong suklian ng pagbati nang higit na mainam (kaysa) rito, o di kaya'y suklian ito nang katumbas na pagbati…" (Qur'an, Kabanata An-Nisaa, 4:86)

Ipinaliwanag din ng Islam kung sino ang dapat maunang magbigay ng pagbati. Ang Sugo ng Allah (sas) ay nagsabi:

"Ang isang nakasakay ay nararapat na maunang bumati sa isang naglalakad, ang isang naglalakad ay nararapat na maunang bumati sa isang nakaupo, at ang maliit na pangkat ay nararapat na maunang bumati sa isang higit na malaking bilang na pangkat." (Al-Bukhari)

Last Updated on Wednesday, 17 February 2010 06:07
 

Main Page

Hindi pa Huli ang Lahat

Hindi pa huli ang lahatPinakamahalagang katotohanan na dapat alalahanin ay ang layunin ng buhay ng tao sa mundong ito. Huwag nating sayangin ang bawa’t panahon sa makamundong pagnanasa lamang. Hindi pa huli ang lahat upang magbalik-loob sa Allah. Read More

Advertisement

  • COCG Donation
  • COCG Donation
  • COCG Donation
  • COCG Donation
  • COCG Donation

Tungkol kay Muhammad

Para sa Hindi Muslim

Haligi ng Islam

Haligi ng Paniniwala