| Bawa’t tao ay isinilang na malaya sa anumang kasalanan at taglay niya ang likas na pagkilala sa pagkakaroon ng Isang Manlilikha. Kadalasan, ang likas na pagkilalang ito ay nalilihis at naliligaw sanhi ng impluwensiya ng kanyang mga magulang, ng kapaligiran, ng nakagisnang tradisyon, ng kanyang kaibigan at ng lipunang kanyang kinabibilangan. Magkagayon, ang malinis na konsepto at pagkilala niya sa Dakilang Lumikha (Allah) ay nagkakaroon ng batik ng Idolatriya (ang pagsamba sa mga nilikhang bagay). |
|
|